Kilalanin
ang illegal recruiter!
Ang illegal
recruiter ay:
-
agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad nang walang resibo
-
nangangako ng madaliang pag-alis patungo sa ibang bansa
-
nagre-require agad ng medical examination o training kahit wala pang malinaw na employer o kontrata
-
nakikipag-transaksiyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar tulad ng restaurant, mall, atbpa. at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensiya
-
bahay-bahay kung mag-recruit ng mga aplikante
-
hndi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa ina-aplayang trabaho
-
nagsasabi na may kausap na direct employer at ang mga aplikante ay di na kailangang dumaan sa POEA
-
nangangako ng mabilis na pag-alis ng aplikante gamit ang tourist o visit visa
-
walang maipakitang employment contract o working visa
-
nagpapakilala na empleyado ng isang lisensyadong recruitment agency ngunit walang maipakitang ID
-
nagpapakilala na konektado sa isang travel agency o training center
-
nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang mapabilis ang pagpapaalis
-
walang maibigay na sapat at tamang impormasyon tungkol sa sarili tulad ng buong pangalan o address
-
nangangako na ang mga dokumento ay ipapasok sa POEA para mai-process (lalo na sa kaso ng EPS-Korea)
No comments:
Post a Comment